-->

Mga Bagay Na Wag Mong Kakalimutan Bilang Kaibigan




1. Makinig ka kahit nakakasawa na at paulit-ulit na yung pinagsasasabe ng kaibigan mo.


2. Wag palaging magpalibre. Wag sobrang kapal ng face. Try din maglabas. 

3. Wag mong isiping ikaw lang palagi ang tama sa lahat ng argumento. 

4. Hindi sila gamit kaya wag mo silang gagamitin. Tao sila. Yung iba hindi lang halata.

5. Wag mong pag-interesan ang pagmamay-ari niya. Wag makishare hanggat hindi niya inaalok sayo. 

6. Wag ka ng dumagdag sa mga critics at negatibo sa buhay niya. Ikaw dapat ang die hard supporter niya.


7. Wag kang matakot bumatok sa kanya kapag alam mong mali na ang ginagawa niya. Pero kung wala ka ng magagawa yakapin mo na lang siya at sabihin mo, "Tanga mo talaga pero mahal pa rin kita".


8. Wag mo siyang iuunfriend pag nagkagalit kayo. Wag mo siyang igaya sa ex mo. 


9. Wag kang gagawa ng sariling mundo ng dahil lang sa lovelife. Tandaan mo, nung magkalovelife ka hindi ka nagbawas ng kaibigan. Nagdagdag ka lang. 



10. Pakiusap, magbayad ka ng utang mo para makaulit ka.






home based business

No comments