-->

3 Bagay Na Tungkol Sa Kaya Mo

RIGHT THINKING + MASSIVE ACTION = FRUITFULNESS


Isipin Mong Kaya Mo..
Walang mangyayari kung iisipin mong hindi mo kaya..

Instead na gamitin mo ang effort mo sa pagiisip ng mga negatibong bagay e bakit hindi mo na lang gamitin ang energy mo sa pagiisip ng mga positibo at pagkumbinsi sa sarili mo na kaya mo?

Dahil ang totoo, kaya mo naman talaga.
Gawin Mo Ang Higit Sa Makakaya Mo.
Sinimulan mo ng gawin edi itodo mo na.

Naniwala ka na makakamit mo ang naisin mo at posible mong maabot ang pangarap mo so ano pa ang pumipigil sayo para ibigay mo ang lahat?

Wag mo lang subukan.

Do whatever it takes. Make it happen.
Makikita Mo Kung Hanggang Saan Ang Kaya Mo.Ang pinaka the best na reward sa taong naglakas sumubok ay ang makita niya ang kakayahan niya.

Ang bawat resulta ng ating pagpupursigi ay magbibigay ng kakaibang inspirasyon para tayo ay lalong magpatuloy at muling sumubok.

Dito rin natin makikita na tunay nga tayong naniniwala na posible nating maabot ang ating mga adhikain o mga pangarap dahil ang tunay na pananampalataya ay kinakikitaan ng gawa.


No comments