-->

Bakit parang walang nagbabago sa buhay natin?




Bakit parang walang nagbabago sa buhay natin?



1. E pano naman kasi pag sahod mo todo walwal ka palage.  Inom dito.. Kain dun.. Tapos magtatanong ka pa kung baket? try mo kaya matulog o kaya manood ka na lang muna sa bahay for a change? 

2. Papaanong may mababago sa buhay mo e oras oras na ginawa ng Diyos e palagi kang nakaabang sa promo ng airlines para makapag book ka ng ticket at makapamasyal ka sa buong daigdig. Edi wow!

3. Sows nagtanong ka pa? Walang magbabago kung hanggang ngayon ayaw mo humanap ng trabaho o kaya maghanap ng pagkakakitaan mo. Ano ka ba? tao o biik? gusto mo katayin na kita? Wag lang kain at tulog huy. 

4. Paanong may mababago e ikaw tong pinaka unang lumalabas sa pintuan ng kumpanya niyo dahil super excited kang umuwi.. Kakapasok mo pa nga lang paguwi na nasa isip mo ee. Dami mo pang reklamo e samantalang petiks ka lang naman araw araw. Umaasa ka ng dagdag sahod e trabaho mo naman kulang kulang.. Bat ganun?

5. Ay nako kuya Jobert, panong may mababago e hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan yung ex mo. grabe 20 years na nakalipas bitter ka pa din sa kanya? Diba dapat manhid ka na? Move on din pag may time.

6. Kasi nga mas gusto natin yung nakasanayan na natin.. Takot kang iwan yang trabaho mo kahit na inaabuso ka na kasi nakasanayan mo. Takot kang iwan yang boyfriend mo kahit na niloloko ka na. Ayaw mo ng Samsung kasi ever since iphone ka talaga. Yung tipong papatayin mo yung kapatid mo pag nilipat niya yung channel 2 sa channel 7 kasi kapamilya ka. 

7. Kasi ma pride ka pa din.. Ayaw mong tulungan ka ng iba. Gusto mo ikaw lahat. Isa kang bayani. Gusto mo ba may rebulto ka? Sige hayaan mo pag namatay ka ipapagawa kita..

8. E panong may may mababago e nagpapauto ka pa din.. Sa jowa mo.. Sa kamaganak mo. Sa kaibigan mo.. Konting lambing lang sayo bigay ka na agad. Walang problema sa pagtulong pero kung inaabuso ka na e hindi na pagtulong yan. Katangahan na yan.

9. Ay sows! Panong may mababago e napaka negative mo.. Di mo pa nga nasubukan naisip mo agad papalpak. Di uubra. Di para sayo. Tutal e advance ka naman magisip e Bakit dmo maisip na baka palpak yang naiisip mo? Labo mo.. 


10. Panong may mababago aber? E napakagaling mong mag drawing.. Puro ka plano. Sabi mo last year mag ggym ka na e matatapos na ulit ang taon aya ka pa din ng aya. Sabi mo mag dadiet ka na e 5 taon ko na naririnig sayo yan hanggang ngayon fiesta ka pa din pag lumapa. Aya ka ng aya mag out of town sa tropa nagkaanak na lahat hanggang ngayon Group chat pa din. Wag ka na lang mag plano baka sakali mangyare pa.





No comments