-->

How to Enjoy in the Workplace: 9 Tips that Every Pinoy Young Professionals Should Know About




1. Dapat magsimula muna sayo  



Simulan mo ang araw mo ng may ngiti. 


Subukan mong humarap sa salamin bago ka pumasok at sabihin mo na isa ka sa pinaka magandang nilalang ng Diyos at sabayan mo ng close up smile mo sigurado magkakaroon ka ng goodvibes..



Be grateful.


kapag hinahanap mo kung ano mga bagay na pwede mong ipagpasalamat sa Diyos sa buong buhay mo e magiging malinaw ang isip mo at magiging sisiw lang sayo ang mga negatibong mga pangyayare na maeencounter mo



2. Groom well.



Magpapogi ka at magpaganda ka.


Kapag nakaayos ka kasi mas confident kang humarap sa tao.


Masaya ang feeling kapag feeling mo pogi ka or feeling mo maganda ka.




3.  Don’t just work to make money



Paano kung palaging ubos ang pera mo? 


Paano kung kulang ang sahod palage? 


Edi sad ka


Make sure na meron kang ibang motivation kung bakit ka pumapasok sa trabaho. 


Puedeng para marami kang matutunan at makuhang experience.

Puede din na igoal mo ang promotion para kapag lumipat ka sa ibang company e mas mataas na ang sahod mo.




4. Kung kaya mong umiwas sa toxic na tao umiwas ka 



Ang isa sa pinaka masaklap na mangyayare sayo sa office ay ang makatabi mo ang isang toxic na tao. 


Yung tipong kakapasok niyo pa lang sa office e puro negativity at puro reklamo agad ang ibubungad sayo. 


Kung kaya mong umiwas e gawin mo. 


Kung hindi naman posible yun e unahan mo na siya. 


Make sure na kwentuhan mo na siya agad mga positive things. 


Siya ang hawaan mo wag ikaw ang magpahawa sa kanya




5. Have time for Personal Development



Para maenjoy mo ang career na pinasok mo e make sure na umaattend ka sa mga trainings at seminars na ipinoprovide ng kompanya niyo.


Tuloy tuloy mo lang ang pagaaral mo kasi every time na may natutunan tayo at nagiging mahusay tayo e nakakadama tayo ng kakaibang saya.




6. Reward Yourself


Everytime na sasahod ka e idate mo naman ang sarili mo kahit sa jollibee lang.


Bumili ka naman ng bagong damit mo or kahit bagong make up man lang.


Manood ka ng sine or go out with friends.



7.  Build relationships 


Be cordial ika nga.

Iba iba ang ugali jan sa kompanya niyo so make sure na hindi ka na nabibigla. 


Huwag mo nang balakin pang baguhin ang ka officemate mo mabibigo ka lang. 


Instead, pagaralan mong makibagay pero wag kang maki-sama. 


;Sumama ka sa mga team buildings at night out kung kaya naman ng budget mo.




8.   Kung wala kang ginagawa maghanap ka ng gagawin at Pag marami kang ginagawa wag ka nang maghanap ng gagawin. 


Pag wala kang ginagawa ma bobored ka.

Pag bored ka hindi magiging masaya. 


So maghanap ka ng gagawin sa office. 


Tulungan mo ang iba sa loads nila.


Pero kapag marami kang ginagawa e matuto kang magsabi na hindi mo na kaya. 


Kung tanggap ka ng tanggap e maiistress ka lang at baka ilang buwan lang e magresign ka na.



9. Wag kang magpapagutom 



Isa sa pinaka dahilan kung bakit mainit palage ang ulo ng isang tao ay pag nagugutom siya. 


Make sure na palagi kang may dalang snacks sa office.


No comments